Now Playing Tracks

PULA

Dahil ngayon ay WASH DAY namin, kami ay nka ordinary attire na naman at hindi naka school uniform :) RED ang kulay ng isinuot kong damit,Tulad ng dalawa ko pang damit na Eheads themed eh isa ito sa mga damit na napaka ESPESYAL para sa akin, dahil isa rin itong ERASERHEADS FINAL SET themed shirt kung saan UNA’t HULING beses ko na sila atang makikitang tumugtog ng sama sama pa, mga  ALAALA ng KASIYAHAN ang bumabalik sa aking isipan dahil sa damit na ito :)

Mula pagpasok ko pa lang sa school may mga naka RED na agad akong nakita. Sa mga kaklase ko unang subject pa lang apat na agad kaming naka RED, sa paglabas ng school ang dami pa ring naka RED, hanggang sa pag uwi yung kasabay ko sa jeep naka RED din! COLOR of the day yata ang RED para sa akin ngayon hihi.

HAPPY BIRTHDAY" yan ang biro pag naka red ka pero mas malaupit to…

Wag kayong magdidikit, SASABOG!

yan ang isa pang biro pag may mga nagkatabing magkakaparehas ang kulay ng damit, parang nakuha dun sa laro sa computer na pag napagtabitabi mo yung magkakakulay ay nasabog o nawawala, sa di sinasadyang pagkakataon sa pag sakay ng jeep TATLO kaming magkakatabing naka PULA parang SASABOG na sa tingkad. natatawa talaga ako kanina habang nasa byahe hehe :)

at pagdating ko sa bahay di pa rin ako tinigilan ng RED, May SPAGHETTI sa Lamesa! YUM YUM YUM YUM DELICIOSO! :)

10 notes

  1. sunshineandpigtails said: hahahaha. color of the day nga! sabog e ang DLSL
  2. certifiedpatapon posted this
We make Tumblr themes